Sunday, December 16, 2007

NANDITO LANG AKO

















Nais kong iyong malaman
Ngunit di ko naman pwedeng sabihin
Paano mo maiintindihan
Kung di ko rin pwedeng aminin

Ngunit kahit puno ng lihim ang aking pagkatao
Maging ang buhay kong ito'y ibibigay sa iyo

Chorus
Tibay at lakas ng loob ang iaalay
Para lang sa iyo
Nais kong malaman mo
May karamay ka
Nandito lang ako

Marunong din naman ako magmahal
Kahit lagi lang nasasaktan
Ang tanging pangako ko ay tapat ang puso kong ito

Ngunit kahit puno ng lihim ang aking pagkatao
Maging ang buhay kong ito'y ibibigay sa iyo

Tibay at lakas ng loob ang iaalay
Para lang sa iyo
Nais kong malaman mo
May karamay ka
Nandito lang ako

At kahit na magkaiba ang ating mundo
Pipilitin kong mapalapit sa iyo

chorus

Friday, December 7, 2007

MAHAL KITA


Kung nasaan ka
sana ay naroon ako
ang mahalin ka
yun ang ligaya ko
dito sa aking puso
may munting paraiso
naghahari pagmamahal
at ang pag-ibig mo

Chorus:
mahal kita walang hanggan
iibigin ka, ikaw lamang
itatangi ko magpakailanman
hinding-hindi ka iiwan
mahal kita ang langit ko
ang puso ko'y tanging sayo
sa aking pangako
sana'y umasa ka
mahal kita, mahal kita
wala nang iba

Kung nasaan ka
naroon din ang langit ko
lahat ng araw
nagdiriwang ako
dito sa aking puso
may munting paraiso
ang tahanan ng pag-ibig
at di magbabago

(Repeat Chorus 2x)

INUMAN NA


I
Magbukas ka pa ng tuna
at kukulangin ang isa
Maglabas ka pa ng baso
at tatagayan ko kayo

II
Pahingi naman ng yosi
at pa-abot ng pansindi
Maghanap ka na ng pwesto
akong bahala sa inyo

Chorus:
Tama na 'yan inuman na
Hoy pare koy tumagay ka
nananabik na lalamunan
naghihintay nag aabang

III
May mag jo-joke sabay kampay
biglang inom sabay dighay
kwentuhan na walang saysay
tawanan na walang humpay

IV
Pang drinking marathon ang laban
tuloy-tuloy lng ang inuman
Medyo may amats na ako
O.K lng 'yan Pareho tayo

(Repeat Chorus)
la la la la la la lasing...
la la la la la la lasing...

Tuesday, November 20, 2007

SANA AY IKAW NA NGA



Anong kailangan kong gawin
Upang malaman mo
Ikaw ay minamahal ko
Kailangan ko'y katulad mo
Sa buhay kong ito
Nag-iisa lang sa mundo

Dati'y nasaktan na 'ko
Takot nang magtiwala
Ayoko na sanang umibig pa
Ngunit ika'y ibang-iba
Sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga

Anong kilangan kong gawin
Upang matigil na
Ang kabaliwan kong ito
Sumpa ko sa sarili'y
Hinding-hinding hindi na
Ngunit heto na naman ako
Hindi na papipigil pa
At di na paaawat
Sinisigaw na ang pangalan mo

Ikaw talaga'y ibang-iba
Sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga
Sana ay ikaw na nga

IKAW



Ikaw ang bigay ng Maykapal
Tugon sa aking dasal
Upang sa lahat ng panahon
Bawat pagkakataon
ang ibigin ko'y ikaw

Ikaw ang tanglaw sa 'king mundo
Kabiyak nitong puso ko
Wala ni kahati mang saglit
Na sa iyo'y may paplit
Ngayo't kailanma'y ikaw

Ang lahat ng aking galaw
Ang sanhi ay ikaw
Kung may bukas mang tinatanaw
Dahil may isang ikaw
Kulang ang magpakailan pa man

Upang bawat sandali ay...
Upang muli't muli ay...
Ang mahalin ay...
Ikaw

IKAW LAMANG



Verse 1:

Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Pre-Chorus:
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Chorus:
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na..huhhhohhhh

Verse 2:
Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa
Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta

Repeat Pre-Chorus:

Repeat Chorus:

MUKHANG PERA



O, ang tao kapag walang pera ay napapraning
Hindi alam ang gagawin
Tatawag sa Diyos
Samba dito, samba doon, oh, Diyos ko
Tulungan Mo po ako
Tulungan Mo po ako

Pero kapag nand'yan na ang maraming pera
Wala na'ng Diyos
Paano, nalunod na
Sa diyos-diyosang pera
Pera na'ng sinasamba
Pera na, pera na, 'di ba

CHORUS 1
Oh, bakit ang pera may mukha
Bakit ang mukha walang pera
O, ang pera nga naman
O, ang pera nga naman
O, ang tao nga nama'y mukhang pera
Mukhang pera
Mukhang pera, ha ha
Mukhang pera, hoy wah

INSTRUMENTAL

O, ang tao kapag walang pera ay napapraning
Hindi alam ang gagawin
Tatawag sa Diyos
Samba dito, samba doon, oh, Diyos ko
Tulungan N'yo po ako
Tulungan Mo po ako

[Repeat CHORUS 1]

Sige, magpakasawa ka na!

AD LIB

CHORUS 2
Oh, bakit ang pera may mukha
Bakit ang mukha walang pera
O, ang pera nga naman
Puro ka na lang pera, pera
O, ang tao nga naman mukhang pera
Mukhang pera
Mukhang pera, ha ha
Mukhang pera (ayan sa 'yo na)

Pare, utang mo?